Nangako si Dubsmash Queen Maine Mendoza na malapit na niyang i-reactivate ang kanyang account sa Twitter.
Walang ibinigay na petsa si Maine kung kailangan siya muling magiging active, dahil mahirap umanong magbitiw ng salita na hindi sigurado.
Aniya, may hinihintay lamang siyang matapos bago siya bumalik.
Hindi naman nabanggit si Maine kung ano itong hinihintay niya.
Gayunman, sinabi ng phenomenal star na sabik na din niyang muling makasalamuha ang supporters nila ni Pambansang Bae Alden Richards.
Matatandaang nag-deactivate si Maine ng kanyang Twitter account dahil sa kaliwa’t kanang mga pangba-bash.
Inilarawan din niya bilang ‘toxic’ ang mundo ng Twitter.