Nananatiling si Maine Mendoza ang reyna ng Twitter Philippines.
Kasunod na rin ito nang muling pagdedeklara kay Mendoza bilang ‘most tweeted about celebrity’ sa bansa sa taong ito.
Ayon sa Twitter Philippines, maituturing na fruitful year ang taong ito para kay Mendoza na itinampok sa sitcom, romantic film at bagong endorsements.
.@mainedcm bags the title of Most Tweeted about accounts here in the Philippines, followed by @maymayentrata07 and @KissesDelavin.
Girls truly run the Twitter world!#ThisHappened2019 pic.twitter.com/f1e7HXHLys
— Twitter Philippines (@TwitterPH) December 10, 2019
Matataandaang sumikat si Mendoza bilang ‘Yaya Dub’ mula sa dating phenomenal love team na ‘AlDub’ kasama si Alden Richards.
Ikalawa naman sa ‘most tweeted about’ si Maymay Entrata na sinundan nina Kisses Delavin, Alden Richards, Edward Barber, Kathryn Bernardo, Lou Yanong, Donny Pangilinan, Aljon Mendoza at Ang FM Radio Station na MOR 101.9.
Bukod sa pagiging ‘most tweeted about celebrity’, ‘most used hashtag’ din ngayong taon ang #MaineMendoza.