Napatunayan muli ang lakas ng Aldub nation nang dumugin nila ang float ng My Bebe Love #kiligpamore sa 2015 Metro Manila Film Festival parade of stars.
Lulan ng float ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza o Aldub, kabilang ang co-stars sa pelikula na sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.
Ang My Bebe Love ang unang pelikula ni Maine at ito rin ang unang pagkakataong nakasali siya sa MMFF parade of stars.
Sa pamamagitan ng Instagram ay inihayag ni Maine ang kanyang saloobin tungkol sa una niyang pagsakay ng float para sa MMFF.
Sobra anyang nakatutuwa na makita ang mga taong sumusuporta sa kanya subalit kaya’t nagpapasalamat siya sa lahat ng pumunta, naghintay, nakisiksik, nakihiyaw, nakikaway at nakisaya sa kanila kahapon.
By Drew Nacino