Rumampa ang aktres at Eat Bulaga mainstay na si Maine Mendoza sa huling araw ng Bench Fashion Show Week kahapon.
Ibinida ni Maine ang isang ensemble sa “Masaganang Bukid” collection ni Lesley Mobo suot ang red at nude na Bench varsity jacket at dirty white crop top at white cargo pants.
Bitbit din ng aktres ang props na payong na napupuno ng disenyong gulay.
Bukod kay Maine, present din ang iba’t-ibang kapuso stars sa naturang fashion show gaya nina Sophia Pablo, Max Collins, Khalil Ramos at Shaira Diaz. – sa panulat ni Hannah Oledan