Napili si Maine Mendoza bilang ambassadress ng sikat na make up line na Mac Cosmetics.
Sa kanyang mga latest Instagram posts ay ibinahagi ni Maine ang kanyang pananatili sa Toronto, Canada kung saan naka-base ang Mac.
Nag-post rin si Maine ng litrato kung saan may hawak siyang isang tube ng lipstick.
Nakalagay sa caption ng nasabing larawan na gumawa si Maine ng sarii niyang shade ng lipstick gamit ang Mac.
Makikita naman sa kanyang instagram stories ang proseso ng pagbuo sa kanyang lipstick shade
Palaisipan naman sa ngayon kung ano ang shade at pangalan ng lipstick na ginawa ni Maine.