Patuloy na mararanasan ang mainit at maalinsangang panahon sa bahagi ng Luzon dahil parin sa umiiral na easterlies.
Asahan parin na makakaranas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas at Mindanao partikular na sa Caraga, Davao Region at Soccsksargen dahil parin sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Magiging mainit at maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:33 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:13 ng hapon.