Makakaranas parin ng mainit at maalinsangang panahon ang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila pero posibleng magkaroon ng mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi bunsod parin ng localized thunderstorm.
Asahan din ang magandang panahon sa Visayas at Mindanao pero mataas ang posibilidad na ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Nagpaalala naman sa publiko ang Pagasa na panatilihin ang pagdala ng payong at iba pang panangga para sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan at bilang proteksiyon sa matinding sikat ng araw.
Wala namang nakataas na galewarning ang Pagasa kaya malaya paring makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 32 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:36 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:28 ng hapon.