Asahan na ang mainit hanggang sa maalinsangang panahon sa susunod na 24 na oras may kaunting pulu-pulong pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa buong Pilipinas dahil sa Easterlies, ayon sa PAGASA.
Higit na mararamdaman ang naturang panahon sa Bicol Region, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon nabahagyang magdadala ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Kaugnay nito inihayag ng pagasa na wala naman nagbabadyang sama ng panahon sa bansa sa susunod na tatlong araw.