Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa ganap na tapos ang panahon ng tag-init.
Ayon kay Gener Quitlong, Weather Forecaster ng PAGASA, ito’y dahil sa inaasahan pang titindi ang nararamdamang init ng panahon sa huling linggo ng Mayo hanggang unang linggo ng Hunyo.
Binigyang diin ni Quitlong na bunsod na rin ito ng umiiral na El Niño Phenomenon sa bansa ngunit, makararanas pa rin naman ng mga pulu-pulong pag-ulan ang buong bansa.
Ngayong weekend, sinabi ni Quitlong na asahan na ang 38 hanggang 39 degrees celcius na heat index o nararamdamang init sa Metro Manila, Tuguegarao habang 39 hanggang 40 degrees naman sa Cebu.
By Jaymark Dagala | ChaCha