Tuluy-tuloy ang mararanasang mainit na panahon sa linggong ito.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa nararamdamang ridge of High Pressure Area sa susunod na tatlong araw.
Gayunman, magkakaroon din ng isolated thunderstorms.
Samantala, asahan na ang rainy season sa kalagitnaan ng Hunyo dahil mahina pa rin ang southwest monsoon na isang batayan para ideklara ang tag-ulan.
Patuloy pa ring nararanasan ang El Niño phenomenon sa Pacific Ocean.
Wala pang naitatalang 25 millimeter rainfall sa lima sa walong PAGASA stations sa bansa at kailangan din ang limang araw na tuluy-tuloy na pag-ulan bago ideklara ang rainy season.
By Judith Larino