Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa Quezon City, ngayong Miyerkules, ika-22 ng Abril.
Ipinabatid ng PAGASA na umabot sa 42°C ang naramdamang heat index sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City, mag-a-ala-2 ng hapon.
Samantala, umabot naman sa 35.2°C ang pinakamataas na temperatura sa nasabing lugar.
Dahil ditto, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.