Posibleng ideklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init sa huling linggo ng Marso.
Ayon sa PAGASA, bagamat nararamdaman pa sa ngayon ang epekto ng hanging Amihan lalo na sa umaga unti-unti na itong mawawala at napapalitan ng hangin mula sa Pacific Ocean sa Silangan na nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon.
Dahil dito, pinaghahanda na ng PAGASA ang lahat sa mas mainit pang panahon pagpasok ng Abril.