Patuloy pa rin ang sigaw ng bawat Pilipino na ang init ng panahon.
Ito’y matapos na maitala ng PAGASA ang 51℃ na heat index sa Dagupan City sa Pangasinan dakong alas-dos hapon nitong Hunyo 1.
Habang pumalo naman sa 50 ℃ ang heat index sa Aparri sa Cagayan at sa single point sa Cavite.
Naitala rin ang 41 hanggang 44 ℃ sa iba pang lugar sa bansa.
Kasunod nito, babala ng pagasa na ang 41 hanggang 54 ℃ na heat index ay mapanganib dahil posible itong magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at may tsansa pang mauwi sa heat stroke.
Kung kaya’t payo ng PAGASA na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities.