Patuloy ang nararanasang mainit at maalinsangang panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA pumalo sa 41 degrees celsius ang heat index ang alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang ala una y medya ng hapon at pumapalo naman sa 35.4 degrees celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.
Samantala limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon kahapon.
Kabilang dito ang ambulong, Tanauan City Legazpi City att Sangley Point sa Cavite City – pawang nasa 47 degrees celsius ang naramdamang heat index at Science of Muñoz at Roxas City na nasa kapwa 45 degrees celsius ang naramdamang alinsangan.
Ibinabala muli ng PAGASA ang panganib ng heat stroke mula sa heat cramps at heat exhaustion na kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees celsius ang heat index.
Dahil dito pinayuhan ng PAGASA ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activity tuwing tanghali o hapon.