Asahan na ang mas mainit na panahon sa susunod na buwan.
Ito ang ang ibinabala ni Annalisa Solis, hepe ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng ngayong 2024 ang pinakamainit na panahong mararanasan ng bansa lalo na’t dry season ngayon na sasabayan pa ng El Niño.
Batay sa forecast ng PAGASA, papalo sa 36°C ang mararanasan sa Metro Manila sa marso na mas tataas pa ito hanggang sa susunod na buwan.
Nabatid na kung mainit na sa Metro Manila ay mas magiging mainit pa sa ilang bahagi ng bansa na kung saan posible pang pumalo hanggang sa higit 40°C ang init sa Northern Luzon partikular sa Cagayan Valley Region.
Ayon pa sa PAGASA, halos buong bansa ang tatamaan ng dry condition, dry spell at drought pagsapit ng Abril at Mayo. – sa panunulat i Jeraline Doinog