Mainit na temperatura ang naranasan ng mga residente sa Cotabato City, kahapon, ika-17 ng Marso.
Ayon sa PAGASA, naitala sa 37.2°C ang pinakamainit na temperatura sa Cotabato City, kahapon.
Nakapagtala rin ng mainit na temperatura sa ilang lugar sa bansa, kabilang dito ang;
- San jose, Occidental Mindoro at General Santos City – 35.5°C;
- Batac City at Guiuan, Eastern Samar – 34°C
Bahagya namang lumamig ang panahon sa Metro Manila kung saan umabot lamang sa 30.4°C ang pinakamataas na temperatura na naitala sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Samantala, umabot naman sa 34°C ang heat index o init na naramdaman sa katawan ng tao kahapon nang tanghali.