Nais saluhin ng orihinal na private contractor ng MRT 3 ang maintenance operations nito.
Ayon sa MRTC o Metro Rail Transit Corporation sinulatan na nila ang Department of Transportation para ipabatid ang intensyon nilang kunin ang maintenance reponsibility sa MRT 3 subalit wala pang tugon ang gobyerno.
Sinabi ng MRT Corporation na magkakaruon ng drastic improvement sa loob ng anim na buwan kung ire rehabilitate at i o overhaul ang sistema kapag ibinalik ang dating maintenance provider na Sumitomo.
Sa kasalukuyan ay DOTR ang humahawak sa maintenance ng MRT habang humahanap pa ng bagong service provider matapos na i terminate ang kontrata ng BURI o Busan Universal Rail Incorporated dahil sa poor maintenance performance nito.