Posibleng malagay sa alanganin ang maintenance at restoration ng ilan sa mga heritage site sa bansa.
Ito ang inihayag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) matapos matapyasan ang pondo ng kagawaran upang mailagak sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay NHCP deputy executive director for programs and projects Alvin Alcid, ilan sa kanilang pondo para ngayong taon ay inilagay muna sa Bayanihan to Heal as One act.
Ani Alcid, malaki ang inaasahang epekto nito, gayunman, susubukan pa rin nilang umapela sa Department of Budget and Management para ibalik ang iba nilang pondo partikular umano para sa restoration at ng ilang mga heritage site sa bansa.