Nilinaw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipinagbawal ng Department of Energy (DOE) ang maintenance schedule sa mga planta ng kuryente ngayong papalapit na ang halalan sa Mayo a-nueve.
Sa naging panayam ng DWIZ, sinabi ni NGCP Atty. Cynthia Alabanza na naglabas ng polisiya ang DOE ngayong summer kung saan, hindi maaring mag conduct o magsagawa ng maintenance shutdown ang kahit na anong power plant sa bansa.
Sinabi din ni Alabanza na maging ang kanilang ahensya ay inalis din ang maintenance schedule hanggang sa Mayo a-16 dahil sa papalapit na eleksiyon.
Iginiit ni Alabanza na handa ang kanilang ahensya basta walang magiging problema sa ipatutupad na polisiya at hindi maaapektuhan ang mga consumer.