Hindi na matutuloy ang naunang inanunsyong pagpapatupad ng temporary shutdown sa operasyon ng MRT 3 simula bukas, Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.
Ayon sa abiso ng MRT 3 pinaboran ni Transportation Secretary Arthur Tugade na suspindihin ang naka-schedule na weekend shutdown bilang pag-iingat sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Sinabi ng DOTr-MRT 3 na mahalagang ma protektahan ang mga manggagawa na magiging bahagi ng mga aktibidad sa mga naturang petsa.
Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current switch gear sa depot at mga turnout sa Taft Avenue station.
Magbibigay na lamang ng anunsyo ang pamunuan ng MRT 3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.
ANUNSYO PUBLIKO
Bilang pag-iingat sa posibleng land fall ni Typhoon Rolly, pinayagan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang rekomendasyon ng MRT-3 na pansamantala munang iurong ang scheduled weekend shutdown nito simula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020. pic.twitter.com/b8k80xCuEC
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) October 30, 2020