Hiniling ng Department of Agrarian Reform (DAR) na dapat isama ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa mga tatanggap ng programang Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP) ng Department of Health (DOH.
Ito ang hiniling ng Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ang MAIP ay isang programa ng DOH na layuning makapagbigay ng medikal para sa mga mahihirap na pasyente sa bansa na naghahanap ng konsultasyon, rehabilitasyon, magpapa ospital.
Ayon kay Estrella, bahagi ito ng 9 Point Priority Areas na tinukoy ng daw bilang tugon sa panawagan ng Pangulo na ipagpatuloy ang Agrarian Reform Program.
Bukod aniya sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema sa seguridad ng pag-mamay-ari ng lupa at pagkakaloob ng mga suportang serbisyo, pagtutuunan din ng DAR ang iba pang mga pasanin na dalahin ng mga ARBs.