Posibleng maglaro na lang sa 500 sa kalagitnaan ng Marso ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, mababa na ito ng naunang projection na isang-libong bagong kaso kada araw.
Kahapon, bumaba pa sa 1,038 ang naitalang bagong kaso kung saan 52,961 ang active cases.—sa panulat ni Abby Malanday