Posibleng bumaba sa isang libo ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pagsapit ng Valentine’s Day.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito ay kung patuloy na bababa ang trend ng mga kaso sa rehiyon.
Umaasa naman si Guido na bababa na sa limang-daan ang maitatalang kaso pagsapit naman ng katapusan ng Pebrero sa NCR.
Maliban sa Ncr Plus, sinabi ni David na tumaas na ang kaso sa labas ng rehiyon kung saan mula sa 4K nitong Enero 12 ay umakyat na ito sa 12K nitong Enero 20.
Pero sa kabila ng pag-plateau o pagpantay ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, patuloy ang paggiit ng DOH na kailangan pa ng pag-aaral upang ito ay mapatunayan. —sa panulat ni Abby Malanday