Posibleng pumalo sa 800 hanggang 1, 200 ang maitatala sa arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, mangyayari ito kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso ngayon.
Aniya, ang mga projection na ito ay hindi pa naman tiyak pero ginagamit nila ito bilang paghahanda sa posibleng pagtaas.
Paliwanag pa niya, ang pagtaas sa naitatalang kaso ay hindi matatawag na ‘surge’ dahil hindi naman ito biglaang pagtaas ng bilang ng kaso.
Matatandaang kahapon, Hunyo a-17, naitala muli ng DOH ang pinakamataas na bagong kaso ng nasabing sakit sa nakalipas na dalawang buwan.