Asahan na ang pagtaas sa bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) dahil makukumpleto na anila ng mga laboratoryo at disease reporting units ang detalye o impormasyon ng mga pasyente.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nabanggit ng mga LGU’s nitong mga nakaraang buwan na hindi sila makapagsagawa ng contact tracing bunsod ng hindi kumpletong detalye ng mga pasyente.
Sinabi ni Vergeire, ngayong linggo lalabas ang mga confirmed COVID-19 cases na hindi pa opisyal na naire-report ng mga laboratoryo.
Kasunod aniya ito ng pagkumpleto ng mga laboratoryo sa impormasyon tulad ng address at telepono ng mga pasyente na kanila nang maisusumite sa DOH.