Posibleng pumalo sa 400 kada araw ang maitatalang COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, tumaas ng 50% ang naitalang kaso sa unang linggo ng Hunyo.
Kumpara ito sa 10% na naitala noong unang linggo ng Mayo.
Tumalon naman sa 131 ang 7-day average rate mula sa 86 noong Mayo.
Samantala, kung magpapatuloy ang ganitong pattern, nakikita ni David na posibleng pumalo sa 800 hanggang 1,000 ang daily cases ng COVID-19 sa Pilipinas.