Nilinaw ng aktres na si Maja Salvador na hindi siya kailanman naging third party sa hiwalayang Carlo Aquino at Angelica Panganiban.
Ayon kay Maja, tinapos na nina Angelica at Carlo ang kanilang relasyon bago aniya tuluyang manligaw ang aktor sa kanya noon.
Sa katunayan, sinabi ni Maja na marami pang niligawan na babae si Carlo noong panahong iyon bago aniya naging sila.
Sa kabila ng lahat, nilinaw din ng dance princess na magkaibigan sila ni Angelica kaya’t walang dapat na maging isyu sabay ng panawagang itigil na ang pangba-bash sa kanila dahil kay Carlo.
Matatandaang matapos ipalabas ang interview kina Carlo at Angelica sa Gandang Gabi Vice ay isang netizen ang nagbansag kay Maja bilang “pambansang third party”.
—-