Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Northern Luzon Command (NOLCOM) si Maj/Gen. Ramiro Manuel Rey.
Papalitan ni Rey si Lt/Gen. Emmanuel Salamat na pormal na ring nagretiro sa puwesto kasunod ng mandatory retirement pagsapit ng kaniyang edad na 56.
Pinangunahan mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang turn-over ceremonies ngayong araw sa Camp Aquino sa Tarlac.
Si Maj/Gen. Rey na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987 ay unang naglingkod bilang commander ng AFP Special Operations Command na nakabase sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Itinuturing ding beterano si Heneral Rey ng Marawi siege dahil pinamunuan din nito noon ang joint task force Ranao bilang commander.
Inaasahan sa pag-upo ng heneral sa NOLCOM ang lalo pang pinaigting na opensiba laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng paghimok sa mga ito na magbalik loob na sa estado.