Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay Major General Andres Centino bilang susunod na hepe ng Philippine Army, kapalit ni Lieutenant General Jose Faustino.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Lorenzana kaugnay sa appointment ni Centino.
Si Centino ay nadestino sa Cagayan De Oro City at nagsilbing kumander ng 4th infantry division.
Ngunit bago naging head ng 4th infantry division noong buwan ng Mayo ng nakalipas na taon, nagsilbi munang deputy chief of staff for operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, si Faustino na dati ring pinamunuan ang Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Davao City, ay nakatakdang magretiro sa darating na Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Kapwa nagmula sina Centino at Faustino sa Philippine Military Academy class of 1988.