Isang major security operation sa Arab areas ang inilunsad ng Israeli forces partikular sa bahagi ng East Jerusalem dahil sa serye nang pag-atake ng mga armadong grupo na hinihinalang Palestinians.
Pinaigting ng Israeli police ang itinalagang checkpoints matapos makatanggap ng report na nagmula sa East Jerusalem ang attackers.
Nag-deploy na ang Israeli military ng 300 sundalo para tumulong sa Israeli police na nagsasagawa ng operasyon para maiwasan ang paghahasik ng karahasan.
By Judith Larino