Inihayag ng OCTA Research Team na majority sa mga Pilipino ang nagsasabing magpapatuloy parin sa pagsusuot ng facemask laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng inilabas na Executive Order No. 3 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hinggil sa opsiyonal na pagsusuot ng face mask sa mga outdoor settings.
Sa isinagawang survey ng OCTA mula April 22 hanggang 25, 2022, napag-alaman na karamihan umano sa mga Pinoy ay naniniwalang mas magiging ligtas sila kung magpapatuloy ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni OCTA President Ranjit Rye, na 28% sa mga Pinoy ay nagsasabing patuloy silang magsusuot ng masks hanggang sa susunod pa na taon.