Hindi na umano mahalaga ang naging gastos sa ginanap na Miss Universe Pageant.
Ayon kay Dating Governor Chavit Singson na isa sa mga naglabas ng pera para sa nasabing patimpalak, masasabi niyang hindi talo sa investment dahil makababawi naman ang bansa pagdating sa turismo.
Nagpasalamat din siya sa Department of Tourism o DOT sa pagtitiwala sa kanya at collaborative effort, aniya, ito.
Samantala, nang tanungin naman si Tourism Secretary Wanda Teo kung posible bang gawin ulit sa Pilipinas ang susunod na Miss Universe Pageant, sinabi ng kalihim na depende ito sa kagustuhan ni Singson na tumayong producer at ng iba pang private corporation na maging katuwang.
Sa panig naman ni Singson, posible lang aniya, iyon, kung may basbas o tulong mula sa pamahalaan.
By: Avee Devierte / Allan Francisco