Ibinida ng Amerika ang makabago nitong B-21 stealth bomber.
Ang stealth bomber na nagkakahalagang $700-m ay may kakayahang magdala ng nuclear at conventional weapons.
Kaya rin nitong lumipad na walang sakay na piloto.
Papalitan nito ang B-1 at B-2 Aircraft na ginamit pa noong Cold War.
Sinasabi rin ni US Air Force spokesperson Ann Stefanek na ang B-21 ay magiging kaagapay ng kanilang Army sa mga makabagong bomber na magtatanggol sa Amerika at mga kaalyadong bansa nito.
Kaugnay nito, inaasahan na sa unang bahagi ng susunod na taon ay lilipad na ito at pinaplano rin US Air Force na bumili ng nasa 100 piraso nito.