Gagamit ang PNP o Philippine National Police ng makabagong webpage system para sa mas mabilis na pagta-transmit ng mga impormasyon hinggil sa nilalaman ng police blotter.
Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management, System Administrator Jun Valoria, hindi na nila gagamitin ang e-blotter at sa halip ay papalitan na ito ng CIRAM o Crime Information, repatory and analysis system.
Nagkaroon aniya ng problema sa e-blotter dahil sa kawalan ng internet connection kumpara ngayon na halos lahat ng pangunahing lokasyon sa bansa ay mayroon ng access sa internet.
Nilinaw naman ni Valoria na hindi pa rin mawawala ang mga manual blotter book dahil ito ang ginagamit sa pag-counter check sa mga na-encode na mga reklamo at krimen sa CIRAM.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal