Hiniling ng Makabayan bloc sa House Committee on Legislative franchise na isumite sa plenaryo ang TWG o technical working group na nagbabasura sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa kanilang liham sa Komite, sinabi ng Makabayan bloc na naniniwala silang kailangan isalang sa ratification o dapat pagtibayin ng plenaryo ang TWG report.
Ikinatwiran ng Makabayan bloc na parang tinanggalan ng pagkakataon ang mayorya ng 305 members ng House of Representatives na bumoto sa isyu bilang representasyon ng kanilang mga constituents na apektado rin naman ng naging desisyon ng Komite.
Matatandaan na pinatay ang prangkisa ng ABS-CBN sa committee level pa lamang kung saan 70 kongresista ang bumoto na hindi na dapat bigyan ng panibagong prangkisa ang network.