Hinimok ng Makabayan bloc sa Kamara ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagbili ng palay sa local farmers sa halagang 20 pesos kada kilo.
Ito ayon sa Makabayan ay dahil ang Pangulong Duterte ang responsable sa nararanasang krisis sa bigas.
Dapat anilang bumili ang gobyerno ng maraming palay mula sa mga lokal na magsasaka sa presyong 20 pesos kada kilo mula sa kasalukuyang 17 pesos at gawin itong available sa lahat ng mga tindahan sa murang halaga.
Binigyang diin ng Makabayan na ang 7-billion pesos na subsidy ng gobyerno para sa taong ito kung bibili ng palay sa halagang 20 pesos kada kilo ay makakalikom ng 350 thousand metric tons ng palay o 4.5 million bags ng milled rice.