Kinondena ng Makabayan Bloc ang pag-aresto ng pulisya sa grupo ng mga volunteers na mamamahagi sana ng relief goods para sa mga apektado ng enhanced community quarantine sa Norzagaray, Bulacan.
Kabilang sa mga inaresto si dating Anakpawis Representative Ariel Casilao.
Ayon sa Makabayan Bloc, ang nabanggit na hakbang ng mga militar ay tila bahagi ng lumabas na memo ng afp o Armed Forces of the philippines hinggil sa mas pinaigting na mala-martial law na pagpapatupad ng e-c-q.
Batay sa impormasyon mula sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, hinarang sa isang checkpoint ang mga volunteers ng Tulong Anakpawis at Sagip Kanayunan na mamimigay sana ng mga relief packs sa Norzagaray.
Dinala umano ang mga nabanggit na volunteers kasama si Casilao at kanilang driver sa Norzagaray Municipal Police Station at saka mulang ipinatawag sa Bulacan Police Provincial Office sa Malolos Bulacan.