Kinundena ng Makabayan Bloc ang pag-uugnay ng pinuno ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa unyon ng mga empleyado ng senado.
Binigyang diin ng Makabayan Bloc na ang senado o sandigan ng mga empleyadong nagkakaisa sa adhikain ng demokratikong organisasyon ay lehitimong grupo ng mga empleyado na kinikilala ng Department of Labor and Employment, Civil Service Commission at Senate Bureaucracy.
Ayon sa Makabayan Bloc layon ng pahayag ni NICA Chief Alex Monteagudo na buwagin ang pagkakaisa ng mga empleyado, sinisira ang unyon at sinasabotahe ang mga tagumpay ng grupo sa mga isyung ipinaglaban nito.
Hindi anito matatawaran ang track record ng senado o unyon ng mga empleyado sa mataas na kapulungan para tunay na katawanin at isulong ang mga karapatan, interest at kapakanan ng mga miyembro nito.