Talunan o ‘bunch of losers’ daw ang mga party-list congressman na kasapi ng tinaguriang Makabayan Bloc kaya naghahanap na lang ng ‘scapegoat’.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson makaraang sabihin ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na naging witch hunting lang ang senate investigation sa isyu ng red-tagging
Ayon kay Lacson ang nanguna sa pagdinig sa naturang isyu naghahanap lang ng scapegoat ang Makabayan Bloc.
Naging patas anya ang kanilang imbestigasyon kung saan binigyan nya pareho ng mahabang panahon at oras ang Makabayan Bloc at mga security officials.
Pero bigo anya ang Makabayan Bloc na sagutin nang diretsahan ang alegasyon ng mga dating kasapi ng New People’s Army.
Ang paghahanap anya ng ‘scapegoat’ ay normal sa mga tao na ang pakiramdam sa sarili ay talunan.
Samantala, sinabi ni Lacson na tinitipon na nila ang lahat ng testimonya at dokumento mula sa tatlong pagdinig ukol sa red-tagging at gagamitin ito sa ilalabas nilang konklusyon at committee report. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)