Nanawagan ang ilang mambabatas na itigil ng gobyerno ang gagawing rehabilitasyon sa Manila Bay.
Nilagdaan ang naturang resolusyon nina Anakpawis Rep. Ariel Casilao, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Gabriela Party list Rep. Emmie de Jesus at Arlene Brosas, ACT Party list Rep. Antonio Tinio at France Castro at Kabataan Party list Rep. Sarah Jane Elago.
Tinukoy sa naging resolusyon na ang rehabilitation program ay posibleng prelude lamang sa gagawing higit 40 reclamation project sa mahigit 32,000 ektaryang bahagi ng dagat sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno.
Kabilang anila dito ay ang Pasay Harbor City na joint venture kasama si Davao Based Businessman Dennis Uy na kabilang sa mga top campaign contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong eleksyon.
Inakusahan din ng grupo si Enviroment Secretary Roy Cimatu na nagbubulag bulagan sa chemical at toxic waste na itinatapon sa dagat mula sa mga industrial at commercial establishment na nasa paligid ng Manila Bay.