Pinasu suspindi ng Makabayan Bloc ng Kamara sa Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng anti drug operations nito sa gitna na rin nang pagkakapaslang kay Kian Loyd Delos Santos.
Sinabi ni Act Party List Representative Antonio Tinio na dapat suspendihin ang Oplan Double Barrel, Tokhang at One Time Big Time operations dahil isang inosenteng bata at menor de edad sa katauhan ni Kian ang nadamay.
Nagawa na aniya nuon ng Pangulong Duterte na suspendihin ang anti drug operations matapos mapatay ng mga umanoy pasaway na pulis si South Korean Businessman Jee Ick Joo.
Una nang naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc para imbestigahan ang pagkakapatay kay Kian.
By: Judith Larino
SMW: RPE