Nananatili ang suporta ng Makabayan Bloc sa pamunuan ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sa gitna ito ng umano’y planong pagkudeta kay Alvarez.
Sinabi nina Congresswoman Emmie de Jesus at Congressman Antonio Tinio ng Makabayan Bloc, hinahayaan sila ni Alvarez na maging independent at magkaroon ng maprinsipyong pananaw lalo na sa usapin ng death penalty.
Sinabi rin ni De Jesus na wala siyang nakikitang malaking dahilan para kumalas sa super majority coalition sa kongreso.
Sa panig naman ni Tinio, suportado nila ang pamumuno ni Alvarez dahil maluwag silang nakakapagpahayag at hindi hinaharang ang kanilang posisyon tulad ng pagsalungat sa death penalty bill.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc