Hindi teroristang grupo ang Makabayan Bloc sa Kamara.
Binigyang diin ito ng Makabayan Bloc kasunod ng pangambang posibleng ang grupo nila ang sunod na targetin ng gobyerno matapos i proklamang terorista ang New People’s Army.
Ayon sa Makabayan Bloc bukas naman sila sa suporta sa CPP NPA NDF lalo na nuong kasagsagan ng proseso ng peacetalks sa pagitan ng gobyerno.
Hindi anila sila mga terorista at hindi terroristic acts ang ipinaglalaban nilang karapatang pantao, disenteng suweldo at pamumuhay, pagkakaruon ng lupa, paggigiit sa pag aalis ng kontraktuwalisasyon at independent foreign policy.
Ang Makabayan bloc Ay kinabibilangan nina ACT Teachers Representative Antonio Tinio, Bayan Muna Party List Representative Carlos Zarate at Anakpawis Representative Ariel Casilao.