Naghain ng panukalang batas ang mga miyembro ng Makabayan bloc para amyendahan ang party-list law system act of 1995.
Anila, kailangan ay maibalik ang tunay na layunin ng mga partylist na maging boses ng iba’t ibang sektor sa kongreso.
Sa amyendang inihain, kailangan munang dumaan sa pagdinig at maghain ng ebidensya ang kinatawan upang mapatunayan na siya ay kabilang sa isang sektor.
Maaari namang madisqualify ang mga kinatawan na humawak na ng pwesto sa gobyerno at mga kamag-anak ng mga pulitiko.