Ipinangako ng Malacañang ng isang kalugod-lugod, produktibo, at hindi malilimutang 30th Southeast Asian (SEA) games.
Kasabay ito ng paghingi ng paumanhin sa mga ASEAN athletes hinggil sa naranasang aberya sa transportasyon at hotel accommodation pagdating nila ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi na nila mababago pa ang nangyari at wala rin silang maibibigay pang dahilan sa isyu.
Bagama’t hindi aniya maipapangako ng pamahalaan na walang mangyayaring mga aberya sa paghost ng Pilipinas sa 30th SEA games, kanilang pagsusumikapan at pagtatrabahuan na maging kaaya-aya at hindi malilimutan ang pananatili ng mga bisitang atleta sa Pilipinas.