Akala ng iba, maiiwasan ang impact kung sasabayan mo lang ang pagbagsak ng elevator sa pamamagitan ng pagtalon bago ito makarating sa pinakailalim. Kung gagawin mo ito, malaki ang posibilidad na tatama lang ang ulo mo sa tuktok ng elevator at madidisgrasya ka pa lalo.
Cliché man kung pakinggan, pero ang una mong dapat gawin ay maging kalmado at i-press ang alarm o emergency button. Pindutin mo rin ang lahat ng floor buttons sa elevator sa lalong madaling panahon.
Posibleng mayroong emergency power ang elevator na makakapigil sa pagbagsak nito.
Kung nagawa mo na ito at hindi pa rin tumigil sa pagbagsak ang elevator, huwag mag-panic.
Kung mag-isa ka, ang best option mo ay humiga. Ayon sa isang research engineer mula sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) Center for Biomedical Engineering, sa ganitong paraan walang madadaganang bahagi ng iyong katawan dahil pantay na madi-distribute ang force ng impact.
Kung may mga kasama ka naman, kailangan niyong sumandal sa elevator wall o kumapit sa handrail at i-bend ang inyong mga tuhod na parang nakaupo. Mababawasan ng ganitong posisyon ang impact ng pagbagsak.
Kailangan mo ring protektahan ang iyong ulo gamit ang braso at kamay para matiyak na hindi ito mapipinsala.
Kung palagi kang sumasakay rito, hindi ka dapat matakot dahil karamihan sa elevators ngayon, mayroong special technology upang maiwasan ang pinakamalalang sitwasyon.
Still, hindi masama kung alam mo ang gagawin sakaling mangyari ang ganitong aksidente. Tandaan, laging maging mapagmatyag at alerto kahit saan ka man pumunta para ligtas ka pa ring makakauwi sa iyong mga mahal sa buhay.