Posibleng ianunsyo na ngayong linggo ang makakalaban ni undefeated boxer Floyd Mayweather Junior.
Ayon kay Showtime Executive Vice President at General Manager na si Stephen Espinoza, posibleng gawin ang laban ni Mayweather sa Setyembre matapos ang makasaysayang panalo nito noong Mayo kontra kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Gayunman, pa hindi pa rin malinaw kung sino ang makakabakbakan ni Mayweather.
Ito ay kahit pa lumulutang ang mga balitang napili na ni Mayweather si Andre Berto na natalo ng tatlo sa huli niyang anim na laban.
By Ralph Obina