Dumating na kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport si WBA Welterweight champion Lucas Matthysse.
Nasa bansa si Matthysse para i-promote ang laban nila ni fighting Senator Manny Pacquiao sa Malaysia na gaganapin sa Hulyo.
Ayon kay Matthysse, pinaghahandaan niyang maigi ang kanyang laban kontra sa Pambansang Kamao.
Hawak ngayon ni Matthysse ang fight record na 36 knockouts sa 39 na laban nito.