Pinalulutang ni WBC Interim Ligthweight Champion Ryan Garcia na si pambansang kamao Manny Pacquiao ang susunod nitong makakalaban.
Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account mismong si Garcia ang nag-anunsyo ng kaniyang nalalapit na laban.
Gayunman, hindi pa ito kinukumpirma ng panig ni Pacquiao.
Ang American boxer na si Garcia ay nagmula sa golden boy promotions at wala pang talo sa 21 laban nito.