Binigyan-diin ng International Criminal Court ng tanging mga hukom lamang nila ang maaaring makapagpalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t hindi nagkomento si ICC Spokesman Fadi El Abdallah kaugnay sa mga petisyon na inihain sa Korte Suprema na kumukwestyon sa ligalidad ng pagkaka-aresto sa dating pangulo, iginiit ng nasabing opisyal na nakasalalay pa rin sa mga hukom ng ICC ang magiging desisyon na pagpapalaya sa isang itinuturing na suspek.
Paliwanag pa ICC Official, malinaw na batay sa panuntunan ng International Court, kahit pa iligal ang ginawang pag-aresto ng surrendering state sa isang suspek ay mayroon pa ring hurisdiksyon sa nasabing suspek dahil ang korte ay walang kinalaman sa iligal na pag-aresto na ginawa ng kanilang estado.
Kaugnay nito, nanindigan ang ICC na may hurisdiksyon pa rin sila sa Pilipinas dahil mayroon nang mga sinasabing ginawang krimen bago pa umalis ang bansa sa Rome Statute.—sa panulat ni Kat Gonzales